Letra Monobloc de Pupil original
Di alangan sa tukso ng ulan
Ang ihip ng hangin tila nambibitin
Atin ng simulan
Kahit walang mapaglagyan
Bukas ang lansangan
Saan mag-aabang ng araw
Refrain 1>
Sumama ka na,
Wag kang mawawala
Pagkat ngayong gabi'y puno ng alaala
Chorus 1>
Sabay nating saluhin
Anumang itapon ng bukas sa atin
Pipigtas, ililigtas
Sa mga buwaya
(Kasama ka sa 'kin bukas 2x)
Kahit ilang daang taon ang lumipas
Hinding-hindi makakahanap ng isang katulad ko
(Di ka ba nabubulag)
Hinding-hindi mapapantayan
Walang gulong ang aking palad
Paano nga pa ba ang lumakad?
Buksan mo ang pinto
Naghihintay na ang buong mundo sa 'yo
(Ano pa ang hahanapin? )
Lahat na ay sa akin
(Ano pa ang hahanapin? )
Lahat ay nasa akin
Aaaha...
Kung alangan sa tukso ng ulan
Hindi mapapawi ang init ng labi
Sa bawat hakbang
Sa kaliwa o sa kanan
Lampas sa hangganan
Doon mag-aabang ng araw
Refrain 2>
Kailangan kita,
Wag kang mawawala
Pagkat ngayong gabi'y puno ng alaala
Chorus 2>
Sabay nating harapin
Anumang itapon ng bukas sa atin
Bangon sa hukay, bigyan ng buhay
Ang pag-ibig na patay
Coda>
Hukayin, buhayin ang pag-ibig natin
(Kasama ka sa 'kin bukas)
Hukayin, buhayin ang pag-ibig natin
(Kasama ka sa 'kin bukas)