Letra Kandila de Concrete Sam original
Isa pa, baka tigilan na kita
Alam kong alam mong nahulog na sayo
Cge pa, paasahin lang ako
Napaso nat nabulag gusto pang maging abo
Kandila, ako ay nabihag mo
Sana sa aking paglisan ay maalala mo
Isang kaibigan, naging tapat sayo
Napaso nat nabulag tuluyan nang naging abo
Gabi gabi kaw ang silungan sa lamig
Halik sa apoy kapalit sayang walang hihigit
Kasalanan bang maging isang gamo gamo
Sana akoy isang makulay, bibong paro paro
Kandila, akoy nabihag mo
Sana sa aking paglisan ay maalala mo
Bilang kaibigan, naging tapat sayo
Napaso nat nabulag tuluyan ng naging abo
Dito na lang ba magtatapos ang kapalaran ko
Mapalad pa rin ang sinapit nadama ko ang apoy mo
Tunaw na pagasa na wala naman talaga
Pangit man at bobo akoy naging tapat sayo
Tandaan mo...